Kinumpirma ng FIBA na kanila na munang ipinagpaliban ang ilang mga games para sa unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers.

Kasama na rito ang pagtutuos sana ng Gilas Pilipinas at Thailand sa Pebrero 20 na idaraos sa Smart Araneta Coliseum.

Sa pahayag ng FIBA, dahil pa rin ito sa banta ng coronavirus disease na patuloy pa ring nagdudulot ng pangamba sa iba’t ibang panig ng mundo.

Maliban dito, postponed din muna ang Japan-China game sa Pebrero 21 at ang China-Malaysia game sa Pebrero 24.

PInag-aaralan naman sa ngayon ng basketball body kung kakanselahin din ang iba pang mga laro, tulad na lamang sa road game ng Pilipinas kontra Indonesia sa Pebrero 23.