Federer
Federer/ Twitter image

Umatras na sa pagsabak sa French Open si Roger Federer matapos itong operahan sa kaniyang tuhod.

Sa kaniyang Twitter, sinabi nito na palaging kumikiro ang kaniyang kanan tuhod kaya kinailangan itong operahan.

Sumailalim ang 38-anyos sa arthroscopic surgery sa Switzerland na posibleng tumagal ang paggaling nito ng anim na buwan.

Bukod sa French Open ay posibleng hindi rin itong makapaglaro ng ilang mga malalaking torneo gaya ng Miami, Indian Wells, Dubai at Bogota tennis tournament.

Tiniyak naman nito sa kaniyang fans na siya ay magbabalik at maglalaro muli kapag gumaling na.