Nag-alok na ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ng $100,000 o katumbas ng P5.5-milyon sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng suspek na bumaril na nagresulta sa pagkamatay ni Charlie Kirk.
Bagamat narekober ng mga otoridad ang high-powered rifle na maaaring ginamit ng suspek at ilang mga bakas na mula sa suspek ay hindi pa rin nila naaresto ang suspek.l
Inilabas na rin ng mga otoridad ang mga larawan na kuha sa suspek habang ito ay papatakas matapos ang insidente.
Magugunitang binaril si Kirk habang ito ay dumadalo sa isang event sa Utah.
Una na ring sinabi ni US President Donald Trump na kaniyang gagawaran ng Presidential Medal of Freedom, ang pinakamataas na civilian award na ibinibigay ng gobyerno, kay Kirk dahil sa mga kabutihan na kaniyang ipinamalas.