-- Advertisements --

Ibinunyag ni Sharon Cuneta na naka-life support na ngayon ang celebrity makeup artist na si Fanny Serrano matapos ang “massive” stroke nito noong nakaraang linggo.

Sa kaniyang Instagram, emosyonal ang tinaguriang Megastar dahil hindi niya kayang makita na ang makina lamang ang bumubuhay sa malapit niyang kaibigan.

Labis ang kalungkutan din ng actress dahil hindi ito makadalaw sa pagamutan kung saan nandoon si Serrno dahil sa higpit na ipinapatupad bunsod ng COVID-19 pandemic.

Noong Setyembre 2016 ay itinakbo na sa pagamutan si Serrano matapos na ito ay ma-stroke at inobserbahan ito sa Philippine Heart Center sa Quezon City.

Patuloy din ang panawagan ng dasal ni Sharon sa lahat ng kaniyang mga fans para sa agarang paggaling ng malapit niyang kaibigan.

-- Advertisement --