-- Advertisements --
Naging ganap na Tropical Depression ang binabantayang low pressure area at ito ay pinangalanan ng PAGASA na si ‘Falcon’ matapos na ito ay makapasok sa Philippine Area of Responsibiity.
Sa pinakahuling taya ng ahensiya nakita ang sentro ng Tropical Depression “Falcon” sa may 1,015 km Eastern Virac, Catanduanes.
May lakas ito ng 45 km/h at pagbugso ng 60 kph.
Makakaraanas ng pabugso-bugsong pag-ulan Bicol Region, Eastern Visayas, Calabarzon at MIMAROPA.
Makakaramdan din ng pag-ulan sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.