-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Uwan ang kaniyang lakas habang tinatahak ang karagatan ng Silangang ng Eastern Visayas.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ang sentro ng bagyo sa may 985 kilometers ng Silangan ng Eastern Visayas.

May taglay na lakas ng hangin na 130 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 160 kph.

Nakataas naman ang tropical cyclone signal number 2 sa mga lugar ng Catanduanes; Lope de Vega, Palapag, Las Navas, Mapanas, Laoang, Catubig, Mondragon, Lapinig, Pambujan, Catarman, San Roque, Silvino Lobos, Gamay sa Northern Samar; Matuguinao, San Jose de Buan sa Samar; Maslog, San Policarpo, Dolores, Jipapad, Oras, Arteche sa Eastern Samar.

Habang signal number 1 naman ang mga lugar ng Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon kasama ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate kasama na ang Ticao Island at Burias Islands, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kasama ang Lubang Islands, at Calamian Islands natitirang bahagi ng Northern Samar, the rest of Samar, the rest of Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte; Getafe, Talibon, Buenavista, Trinidad, San Miguel, Ubay, Alicia, Mabini, Bien Unido, Pres. Carlos P. Garcia sa Bohol; Medellin, Daanbantayan, City of Bogo, Tabogon, San Remigio, Tabuelan, Borbon, Sogod, Tuburan, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan, Consolacion, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cordova, Asturias, Cebu City, Balamban, City of Talisay, Toledo City, Minglanilla sa Cebu; kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, the northern portion of Negros Occidental (City of Escalante, Toboso, Sagay City, Cadiz City, Calatrava, Manapla, City of Victorias, Enrique B. Magalona, Silay City, City of Talisay, San Carlos City, Salvador Benedicto, Murcia, Bacolod City sa Negros Occidental; ,Carles, Estancia, Balasan, San Dionisio, Concepcion, Batad, Sara, Ajuy, Barotac Viejo, San Rafael, Lemery, Lambunao, Calinog, Bingawan, City of Passi, San Enrique, Anilao, Banate, Dingle, Dueñas, Janiuay, Badiangan, Mina, Pototan, Barotac Nuevo, Dumangas sa Iloilo; , Capiz, Aklan ; Pandan, Libertad, Sebaste, Culasi, Valderrama, Tibiao, Barbaza, Laua-An, Bugasong sa Antique kasama na ang Caluya Islands; Dinagat Islands at Surigao del Norte.

Inaasahang walang pagbabago sa galaw ng bagyo bago magtungo sa north northwestward sa araw ng Martes, Nobyembre 11.

Inaasahan na mas lalakas pa ang bagyong Uwan at maging super typhoon category mamayang gabi o bukas ng umaga.

Inaasahan na rin na maglalandfall ito at bahagyang hihina na dadaan sa Northern Luzon at West Philippine Sea.