-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang bagyong Falcon habang nananatili sa Philippine waters.

Huli itong namataan sa layong 1,205 km sa silangan ng Central Luzon.

Kumikilos ang bagyo nang pahilaga kaya hindi ito inaasahang tatama sa alinmang bahagi ng ating bansa.

Taglay ng tropical storm Falcon ang lakas ng hangin na 75 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 90 km/h.

Ito na ang ika-anim na sama ng panahon na pumasok sa Philippine area of responsibility.