MANILA – Pansamantalang isasara sa mga pasyente ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila simula bukas, October 24 hanggang October 27, araw ng Martes.
PABATID SA LAHAT!!! ANG INYONG KALIGTASAN AY MAHALAGA SA AMIN! Upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasyente at…
Posted by Dr. Jose Fabella Memorial Hospital (Dept. of Health) on Thursday, October 22, 2020
Batay sa isang online advisory, sinabi ng ospital ng magsasagawa sila ng disinfection sa buong pasilidad para masigurong ligts ang kanilang mga pasyente at empleyado.
“Upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasyente at empleyado ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital… pansamantalang isasara at hindi tatanggap ng pasyente upang magsagawa ng pang kalahatang paglilinis ng ospital.”
Partikular na sarado sa mga pasyente ang OB Emergency Room, Pediatric Emergency Room at Out-patient Department.
Humingi nang pang-unawa ang pagamutan sa mga maaapektuhang pasyente, pero tiniyak na kaligtasan ng nakararami ang layunin ng kanilang hakbang.
“Humihingi po kami ng pang-unawa sa kapanahunang ito.Maraming salamat po at ingat po tayong lahat.”
As of October 14, nasa safe zone ang estado ng Fabella Hospital pagdating sa COVID-19 cases. Batay sa datos ng Department of Health, 15.3% lang ng bed capacity para sa COVID-19 cases ng ospital ang okupado.