-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang operasyon kung saan nag-aalok umano ang mga sindikato ng mahal ngunit pekeng COVID-19 swab test sa mga nasa Maynila na nais umuwi sa kanilang lalawigan.

Pahayag ito ni Moreno matapos ipresinta ni Lt. Col. Rosalino Ibay Jr. ang dalawang suspek na nagpanggap daw na mga taga-city hall upang mambiktima ng mga Badjao, at pinagbabayad ang mga ito ng P1,000 kada swab test.

Nasa halos 100 pekeng swab test results ang nasabat sa mga nadakip na suspek.

Muling iginiit ng alkalde na libre ang swab test ng Manila city government.

Posible rin aniyang pakana ang modus ng malaking sindikato na dawit sa estafa at human trafficking.

-- Advertisement --