-- Advertisements --
Binigyang-diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian dinoble na ang pagpapatupad ng “Walang Gutom 2027” food stamp program. Ito ay dahil na rin sa lumabas na survey na ang 22.9% ng mga Pilipino ay nakakaranas ng kagutuman.
Ang target ng ahensya ay siguraduhing wala ng pamilyang Pilipino ang magugutom. Samantala, ang departamento ay sinigurong ginagawa na ang lahat para sa pagsasaayos ng nationwide na implementasyong ng naturang programa.
Ang naturang programa ay winawakasan ang kagutuman sa bansa habang binibigyang oportunidad din pagdating sa job skills, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). (report from Bombo YSA)