-- Advertisements --

Nagpaliwanag ngayon ang Malacañang kaugnay sa naglabasang report na hindi prayoridad ng gobyerno ang pagsasagawa ng mass testing sa COVID-19 na umani ng negatibong reaksyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, lumalabas sa report na walang polisiya ang gobyerno sa pagsasawa ng malawakang testing sa posibleng carrier ng virus.

Ayon kay Sec. Roque, kaya mas mabuting imbes na mass testing, gagamitin na ang terminong expanded targeted testing para maiwasan ang kalituhan.

Inihayag ni Sec. Roque na walang bansa sa buong mundo na magsasagawa ng testing sa lahat ng kanilang mamamayan.

Sa Pilipinas, kabilang umano sa dapat isasailalim sa test ang mga symptomatic, lahat ng galing sa ibang bansa, lahat ng close-contacts at iba pang nag-positibo sa rapid anti-body test.