-- Advertisements --
atty vic rodriguez es

Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na bumaba na sa puwesto bilang Executive Secretary si Atty. Victor Rodriguez.

“I confirm that Atty Vic Rodriguez has stepped down as Executive Secretary,” wika ni Angeles.

Inilabas ng Malacanang ang pahayag, kasunod ng mga ispekulasyon ukol sa sitwasyon ni Rodriguez sa gabinete.

Una nang lumutang ang naturang isyu noong mga nakaraang linggo, ngunit nanatili pa rin sa kaniyang tanggapan ang kalihim.

Katunayan, personal pa itong nakipagkita sa Malacanang Press Corps habang gumagawa ng kaniyang trabaho.

Pero makalipas lamang ang ilang araw, nag-imbestiga naman ang Senado ukol sa umano’y illegal Sugar Regulatory Order, para sa pag-aangkat ng nasa 300,000 metriko toneladang asukal, kung saan si Rodriguez ang sinisisi ng ilang senador na pinagmulan ng kalituhan.

Gayunman, paulit-ulit na dumipensa ang kalihim sa naging pagdalo nito sa hearings.

Sa kanya namang hiwalay na statment nagpasalamat si Rogruguez sa pagtitiwala ng pangulong kasabay ng kanyang kumpirmasyon na mananatili pa rin ang kanyang pagserbisyo sa bansa bilang bagong presidential chief of staff.

“I have asked permission to step down as Executive Secretary. There is nothing more rewarding than answering the call to serve the country, a rare privilege not extended to all but was given to me by the President, His Excellency Ferdinand Romualdez Marcos, Jr.” ani Rodriguez sa kanyang statement. “I thank the president for his continuing trust and his sincere understanding of my decision.”

Si Rodriguez ay naging abogado at tagapagsalita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bago ito nahalal na presidente ng Pilipinas.