Reading Time: 1 minute
Sharapova
Maria Sharapova/ IG image

Hindi pa man nagsisimula ang US Open, usap-usapan na sa mundo ng tennis ang exciting opening ng huling Grand Slam tournament ngayong taon.

Ito ay sa dahilang agad na magbabanggaan ang mga legends at tennis superstars na sina Serena Williams at Maria Sharapova.

Magaganap ang ika-22 career face off ng dalawang magkaribal sa Flushing Meadows sa pamosong Arthur Ashe Stadium sa New York sa araw ng Martes.

SERENA WILLIAMS
Serena Williams/ Rogers Cup FB image

Nanghihinayang naman ang ilang fans dahil sa maagang harapan ng dalawa dahil sinuman ang matalo ay agad na matatanggal habang ang mananalo naman ay uusad sa next round.