Pumanaw na si dating US Senator Robert Joseph Bob Dole sa edad 98.
Ayon sa Elizabeth Dole Foundation na nalagutan na ito ng hininga sa kaniyang bahay.
Noong Pebrero ay inanunsiyo ng kampo ng dating senador na ito ay na-diagnosed ng advanced lung cancer at mula noon ay sumailalim na ito sa gamutan.
Umabot sa 79 tao na nanilbihan sa publiko ng US ang namayapang senador.
Tatlong beses itong tumakbo sa pagkapangulo at noong 1996 ay siya ang naging nominee ng Republican Party subalit natalo siya kay Democratic incumbent Bill Clinton.
Naging Representative ito ng Kansas mula 1961 hanggang 1969 at senador mula 1969 hanggang 1996.
Siya ang nanguna sa pagtatayo ng memorial para kilalanin ang mga Americans na nagsilbi noong World War 2 sa Washington Naitonal Mall.
Nanguna naman si US President Joe Biden sa pagpapaabot ng pakikiramay sa kaanak ni Dole.