-- Advertisements --

Pinuri ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Council for the Welfare of Children (CWC) ang actress na si Liza Soberano.

Kasunod ito sa pagsiwalat niya sa naranasang pang-aabuso noong ito ay bata pa habang nasa US.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, na ang pagsiwalat sa nakaraang karanasan ay hindi madali lalo na at nakakatrauma ang pinagdaanan.

Ayon naman sa CWC na walang bata dapat ang makaranas ng anumang pananakit pisikal man, emotional o psychological.

Magugunitang isinawalat ng actress ang mga naranasan niyang pang-aabuso noong ito ay bata habang nasa US.