Marami ang nagulat at naging usap-usapan din ang pagpapakita ni dating Ukrainian President Petro Poroshenko sa kalsada bitbit ang armas na Kalashnikov.
Ayon sa kanya apat na kaanak na rin ang sumama sa kanya, katuwang ang may 300 miyembro ng battalion territorial defense.
Nabuo nila ang grupo ng mga sibilyan sa loob lamang ng dalawang araw.
Kaya naman nakakaantig daw ng puso na sumama na rin sa laban ang mga sibilyan na wala man lamang training sa giyera.
Sinabi ng dating presidente (2014-2019) hindi sila natatakot sa nasisiraan na raw ng ulo na si Russian President Vladimir Putin na may hawak pang modernong mga armas tulad ng nuclear bombs samantalang sila sa Ukraine ay meron lamang dalawang machine guns na hawak, wala rin daw silang artilleries at mga tangke at armored personnel carrier sa lugar nila.