-- Advertisements --

Karamihan sa mga Republican senators ang mariiing tumutol sa nakatakdang pagdinig laban kay dating U.S. President Donald Trump na may kaugnayan sa kasong “incitement of insurrection.”

Ito ay dahil sa umano’y panghihikayat ng dating pangulo ng Amerika sa nangyaring kaguluhan sa Capitol Hill noong Enero 6.

Sa botong 55-45, kung saan limang Republicans lamang ang sumali sa Democrats na payagan ang pagsisimula ng pagdinig, tanda lamang na posibleng ibasura ng Senado sa ikalawang pagkakataon ang kaso na hinaharap ngayon ni Trump.

Ilan sa mga Republicans na sang-ayon sa desisyon ng Democrats na ituloy ang kaso ni Trump ay sina Senators Lisa Murkowski ng Alaska, Susan Collins ng Maine, Mitt Romney ng Utah, Ben Sasse ng Nebraska at Patrick Toomey ng Pennsylvania.

Kinakailangan kasi ng Democrats ang 17 boto mula sa Republicans senators para tuluyang makulong ang Republican president.

Naniniwala umano si Senate Minority leader at Republican Kentucky Sen. Mitch McConnell na malaki ang papel ni Trump sa nangyaring kaguluhan subalit tila hindi raw ito sigurado kung dapat itong kasuhan.

Tinawag naman na “unconstitutional” ni Republican Sen. Rand Paul ang impeachment trial laban sa dating presidente. Ang mga private citizens aniya tulad ni Trump ay hindi maaaring i-impeach lalo na kung wala naman itong posisyon sa gobyerno.

“This impeachment is nothing more than a partisan exercise designed to further divide the country,” ani Paul.

“If you voted that it was unconstitutional then how in the world would you ever hope to convict somebody for this? 45 of us, almost the entire caucus, 95% of the caucus, voted that the whole proceeding was unconstitutional. This is a big victory for us. Democrats can beat this partisan horse as long as they want — this vote indicates it’s over, the trial is all over.” dagdag pa ng Republican senator.