Ipinag-utos na ng Quezon City Metropolitan Trial Court (MTC) si dating Sen. Antonio Trillanes IV at 10 iba pa na una nang kinasuhan ng ng Department of Justice (DoJ) dahil sa kasong conspiracy to commit sedition.

Inilabas ang arrest warrant ng QC-MTC Branch 138 laban kina Trillanes, Peter Jomel Advincula alyas Bikoy na itinuturong nasa likod ng “Ang totoong Narcolist videos.”

Ang mga akusado ay kinasuhan ng DoJ dahil umano sa pagsasabwatan sa paggawa ng serye ng mga videos na hinati sa anim.

Ang mga ito ay naglalaman ng mga detalyeng nag-uugnay sa mga miyembro ng pamilya ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng iligal na droga.

Lumalabas sa imbestigasyon ng DoJ panel na ang Bikoy videos ay ginawa ni Advincula at nagsilbing narrator sa video si Joel Saracho, videographer naman si Boom Enriquez at assistant ang isang alyas Monique.

Nagsilbi naman umanong mga scripwriters ng Bikoy videos sina Yolanda Ong at Vicente Romano III para mabuo ang istorya laban sa Pangulo.

Ayon sa panel, si Father Albert Alejo na kasama din sa mga kinasuhan ang naghanda ng Jesuit Community (JESCOM) kung saan kinuhanan ang Bikoy Videos.

Abril noon 2019 bago ang midterm election nang kumalat sa social media ang Bikoy videos na nagdadawit sa mga miyembro ng Pamilya ng Pangulo na umano’y tumatanggap ng payola mula sa iligal na droga.