Binawian na ng buhay ang dating senador at environmentalist na si Heherson Alvarez, matapos dapuan ng coronavirus disease (COVID-19).
Matatandaang si Alvarez ay isinugod sa ospital, kasama ang kaniyang asawang si Philippine Educational Theater Association (Peta) founder Cecile Guidote-Alvarez na kapwa tinamaan ng nasabing sakit.
Ilang araw ding nanatili sa Manila Doctors Hospital ang mag-asawa.
Nitong nakalipas na linggo ay gumaling na at nakauwi ng kanilang bahay si ginang Alvarez, habang nanatili naman sa ospital ang dating mambabatas.
Bago lumala ang kondisyon, susubukan pa sana kay ex-Sen. Alvarez ang plasma theraphy.
Pero dahil sa mahinang pangangatawan, bumigay na umano ito at hindi na nakabawi.
Si Alvarez ay ipinanganak noong October 16, 1939 sa Santiago, Isabela.
Naging senador siya noong June 30, 1987 – June 30, 1998.
Habang naging Agrarian Reform secretary siya noong February 7, 1987 – March 7, 1987.