-- Advertisements --

Tiniyak ni dating Senator Leila de Lima na dadalo pa rin ito sa pagpapatuloy ng hearing kaugnay ng kanyang mga kasong may kinalaman sa droga bukas.

Isang araw ito matapos ang pangho-hostage sa kanya sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP).

Sa isang advisory, sinabi ng kampo ni De Lima na dadalo ito sa pagdinig ng Regional Trial Court (RTC) Branch 256 sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) na naka-schedule dakong ala-1:30 ng hapon.

“Earlier today, de Lima was hostaged by detainees who attempted to escape from the PNP Custodial Center, Camp Crame. She was fortunately unharmed, but the alarming and shocking incident amplifies anew the call to free her from unjust detention,” base sa advisory.

Kung maalala, kaninang umaga nang inihayag ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na naging hostage panandalian si de Lima ng tatlong persons under police custody (PUPC) na sinusubukan daw tumakas sa Custodial Center.

Ang tatlo ay napatay ng PNP at sila ay kinilalang sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan at Feliciano Sulayao Jr. Sulayao.

Sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na nag-demand daw ang PUPCs ng helicopter at hammer at iba pang mga items para makatakas sa piitan.