-- Advertisements --
Bibigyan ng state funeral ng Malacanang si dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na gagawin ang state funeral sa August 9, 2022, araw ng Martes sa susunod na linggo.
Ayon pa kay Angeles, karapatan ng pamilya Ramos na mabigyan ng state funeral ang dating chief executive, na may kasamang full military honors.
Hindi naman masabi ng kalihim kung kailan bibisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa burol, dahil sa usaping pang seguridad.
Nauna nang inanunisyo ng pamilya Ramos na ililibing si FVR sa Libingan ng mga Bayani.
Ngayon namang Huwebes ay sisimulan na pagpapapasok ng mga bibisita sa Heritage Park sa Taguig City.