-- Advertisements --
cguillor

Nanumpa na sa Partido Reporma ni Senator at Presidential bet Ping Lacson si dating PNP Chief Guillermo Eleazar na tatakbong senador sa 2022 national and local.

Kinumpirma ni Eleazar sa Bombo Radyo ang kaniyang panunumpa na ginanap sa San Fernando, Pampanga na pinangunahan mismo ni Senator Lacson.

Present sa panunumpa ni retired General Eleazar sa Partido Reporma si vice presidential aspirant Tito Sotto III, at iba pang senatorial candidate sa partido na sina Monsour del Rosario at Dr. Minguita Padilla.

” Dito ako now sa San Fernando, Pampanga mag take oath kay Sir Ping sa Partido Reporma,” mensahe na ipinadala ni Eleazar sa Bombo Radyo.

Bukas, November 15 ang substitution deadline na itinakda ng Comelec ay maghahain ng kaniyang certificate of candidacy si Eleazar.

Nuong Biyernes, November 12,2021, nag retiro na si Eleazar sa serbisyo.

Si Partido Reporma standard bearer Sen. Panfilo Lacson ang nagkumbinsi kay Eleazar na tumakbo bilang senador sa isang meeting.

Hinamon ni Lacson si Eleazar nuon kung kaya nitong ireplicate ang kaniyang ginawa na ibalik ang tiwala at kumpiyansa ng publiko sa PNP.

cguillor1

” Today, I accept the challenge to replicate the brand of public service that we have shown in the PNP in the past six months, I accept the challenge to work for the vision of geniune reform and transpormation for the Filipino people and I accept the challenged to run for senator of the Republic of the Philippines,” pahayag ni Eleazar.

Todo papuri si Sen. Lacson kay Eleazar sa matagumpay na pamumuno nito sa PNP sa loob lamang ng anim na buwan.

” Nagtagumpay siya (as Chief PNP). Alam niyo sa mga naging Chief PNP, ipuwera iyo yung sarili ko, pero palagay ko mas magaling pa nga sa akin eh. Ngayon ko lang na-realize na six months lang pala siya and in the six months period na nagsilbi siya ang daming nangyari sa PNP. He is a performer,” wika ni Lacson.