-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating opisyal ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Bernabe “Ber” Navarro Jr sa edad 81.
Hindi naman binanggit ng kaanak nito ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Naging team manager si Navarro ng Barangay Ginebra San Miguel noong dekada 90 na tinawag pa noong “Anejo Rum na pinangunahan noon ni playing coach Robert Jaworski Jr.
Matapos ang pagiging team manager ng Ginebra ay umupo siya bilang chairman ng PBA noong 1988.