-- Advertisements --

Naglabas ng kautusan ang Land Transportation Franchising and Regulatory board ng 8, 750 new slots para sa TNVS sa NCR, Ilocos Region, at maging sa Bicol.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng pangangailangan ng mga Pilipino sa pampublikong transportasyon, na dulot din ng pagdami at paglawak ng mga gawaing pang-ekonomiya, inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ng DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, ang pagbubukas ng mahigit 8,000 slots para sa mga ride-hailing service o Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Metro Manila at dalawa pang rehiyon sa Luzon.

Dahil sa inilabas na kautusan, mas marami nang TNVS o ride-hailing vehicles ang maaaring mabigyan ng awtorisasyon upang bumiyahe at mag-operate sa National Capital Region (NCR), Ilocos Region, at Bicol Region. Layunin nitong makatulong na matugunan ang mataas na pangangailangan ng publiko para sa mas sapat at maaasahang serbisyo sa transportasyon.