Itinalaga bilang Tokyo 2020 Olympics president si Seiko Hashimoto.

Ang dating Olympics Minister ay isang seven time Olympian na lumahok sa women’s cycling at speed skater.

Pinalitan nito si Yoshiro Mori na nagbitiw sa tungkulin dahil sa pangungutya sa mga kababaihan na sila daw umano ang dahilan ng nagpapatagal ng meeting.

Sa kasalukuyan ay mayroong 24 miyembro ang Japanese Olympic Committee kung saan lima sa kanila ay mga babae.
Sinabi ni Hashimoto na nagbitiw na ito sa pagiging Olympic minister para pagtuunan ng pansin ang bagong posisyon.