-- Advertisements --

Mistulang napipikon na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa patuloy na umano’y pag-lobby daw ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na mailipat sa kanilang pamunuan ang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, dapat ay inaayos muna maigi ng FDCP ang kanilang local film festival na Pista ng Pelikulang Pilipino bago pag-intersan ang MMFF na mas malaking Filipino movie festival.

Giit ng MMDA spokesperson kay FDCP chair at kapwa dating beauty queen na si Liza Dino, hindi traffic related ang MMFF pero ito ay mahalaga sa kanila.

MMDA vs MMFF 2

Sa ngayon ay tahimik pa si Dino hinggil sa buwelta ng MMDA sa kanilang letter-proposal.

Nakasaad sa naturang rekomendasyon na lawakan ang sakop ng taunang MMFF sa pamamagitan ng kanilang pamumuno na nakatutok talaga sa filmmaking kompara raw sa MMDA na ang main function ay ang “metro” wide services.

MMDA vs MMFF 4
MMDA vs MMFF 3

Una nang inanunsyo ng MMFF ang unang apat na napabilang sa official entries ngayong taon na iba’t iba ang genre tampok sina Vice Ganda, Toni Gonzaga, at Joshua Garcia.

Noong 2019 MMFF, ang family drama themed entry na “Mindanao” ang big winner matapos humakot partikular ng maraming major awards kabilang ang Best Picture, Best Actors at Best Director.

Nabatid na si Pialago ay naging kontrobersyal sa Miss Philippines Earth 2014 dahil sa maling paglalarawan nito sa hinimatay na co-candidate kung saan kanyang sinabi sa panayam na “she passed away.”

Habang ang ngayo’y partner naman ni Aiza Seguerra ay kinoronahang Mutya ng Pilipinas-Tourism International 2001. (C) featured / cover article photo from MMDA spox’ FB & Mutya ng Ph Inc file