Nakisali na rin ang kaalyado ng Iran na militanteng grupong Hezbollah na nasa Lebanon sa digmaan laban sa Israel at Amerika.
Ito ay para ipaghiganti ang pagpatay kay Iran Supreme Leader Ayatollah Khamenei.
Kinumpirma ng Hezbollah na naglunsad ito ng missiles at drone strikes sa Israeli army base sa timog ng Haifa. Ito ang unang rocket na pinakawalan ng Hezbollah na bumasag sa ceasefire na napagkasunduan nila ng Israel noong Nobiyembre 2024.
Sa isang statement, kinumpirma ng Hezbollah na na-target nila ang Mishmar HaCarmel missile-defense site hatinggabi ng Lunes, Marso 2.
Subalit, ayon sa Israeli military, na-intercept nila ang projectile mula sa Lebanon at bumagsak sa open areas.
Tinawag naman ni Lebanon Prime Minister Nawat Salam ang paglulunsad ng rockets mula sa southern Lebanon bilang iresponsable at kahina-hinalang gawain.
Iginiit ng Prime Minister na hindi nila hahayaan ang kanilang bansa na makaladkad sa panibagong labanan at kanilang gagawin ang lahat ng kaukulang hakbang para mapatigil ang mga responsable sa pag-atake at protektahan ang mamamayan ng Lebanon.















