-- Advertisements --
Muli na namang nagpalit ng pangalan si dating Los Angeles Lakers player Metta World Peace.
Sinabi nito na ang bagong pangalan niya ngayon ay Metta Ford-Artest.
Sinabi nito na idinagdag niya ang apeliyido ng kaniyang asawang si Maya.
Ipinanganak ito bilang si Ronald William Artest, Jr at noong 2004 ay pinalitan ang pangalan nito sa Metta World-Peace matapos magkampeon ang Lakers.
Paliwanag nito na ang pagpalit niya ng pangalan ay para pukawin ang atensiyon ng mga kabataan sa buong mundo.