-- Advertisements --

Hinikayat ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang mga Pilipino na aktibong makiisa sa pagbuo ng mga batas sa pamamagitan ng LegisHear, isang konsultasyong inilunsad ng Kamara de Representantes. 

Sa ginanap na programa sa Butuan City, sinabi ni Dy na mahalaga ang boses ng mamamayan upang makalikha ng mga batas na tunay na tumutugon sa pangangailangan ng bansa.

Tinalakay sa konsultasyon ang panukalang batas para sa Basic Education Voucher Assistance Act at ang pag-upgrade ng Butuan Medical Center bilang Butuan General Hospital. 

Layunin din ng LegisHear na ipaliwanag ang proseso ng paggawa ng batas at mangalap ng opinyon ng publiko tungkol sa mga serbisyong panggobyerno. Ayon kay Dy, bahagi ito ng layunin ng “Bagong Kongreso” na gawing mas bukas at mas makatao ang paggawa ng batas.