-- Advertisements --

ILOILO – Mariing tinututulan ni dating Health Secretary at ngayon Iloilo 1st District Representative Janette Garin ang pag-abolish sa Philippine Health Insurance Corporation sa gitna ng korapsyon na kinakaharap ng ahensya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Garin, sinabi nito na malaki ang problema na maidudulot ng pag-abolish sa Philhealth dahil wala nang magbibigay ng health insurance sa mga tao sa bansa.

Ayon kay Garin, mas mabuti anya kung i-privatize o i-outsource nang unti-unti ang mga department sa loob ng ahensya kagaya ng legal at finance department at ganoon din ang pagsagawa ng packages para sa mga members.

Sa pamamagitan nito ayon kay Garin, mas matatakot ang mga kumpaniya na gumawa ng anomaliya.

Inamin naman ng dating kalihim na kahit mahirap ay posible gawin ang prosesong ito sa kondusyon na huwag biglain ang pag-privatize sa PhilHealth.