CAGAYAN DE ORO CITY – Iginiit ng pulisya na inunahan sila na barilin kaya napilitan na gumanti at napatay ang pinuno ng isang kilabot na grupong Batang Mindanao 29 nang isinailalim sa ‘gun-bust operation’ sa Upper Puerto,Cagayan de Oro City.
Kinilala ang suspek na ngayon biktima na si Alexander Torlao, 38 anyos,hiwalay ng asawa at residente sa Barangay Balubal ng lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni RSOU-10 investigator Chief Master Sgt Marvin Bolanio na nagbenta ng improvised gun ang suspek subalit nakamalay na pulis ang nagkunwaring bibili nito kaya agad nagpapaputok dahilan na gumanti ang kanilang kasamahan.
Nagtamo ng halos 10 tama ng bala sa katawan ang biktima dahilan nang pagkamatay nito.
Natuklasan na dating criminology instructor ang biktima sa isang kolehiyo subalit nahinto dahil nasangkot nang pagtutulak ng ilegal na droga at nakulong ng ilang taon sa city jail.
Itinuring rin itong pinuno ng criminal gang sa loob ng kulangan kaya nakuha nito ang pagsilbing mayor sa selda kuwarto ng city jail bago tuluyang nakalabas at bumalik sa dating criminal activities sa syudad.