ILOILO CITY – Patuloy na iniimbestigaran ng mga otoridad ang nangyaring pagbaril-patay sa ex-convict sa MV Hechanova, Jaro, Iloilo City.

Ang biktima ay si Elezer Galon, 31, at residente ng Tanza Esperanza, Iloilo City Proper.

Si Galon ay magbabayad lang sana ng kanyang inutang na motorsiklo nang binaril ng mga suspek.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Police Captain Mark Anthony Gesulga, hepe ng Jaro Police Station, sinabi nito na nagtamo nga pitong sugat ang biktima, lima sa ulo at dalawa sa kamay.

Ayon kay Gesulga, labas pasok sa kulungan ang biktima at dati nang naugnay sa kalakalan ng iligal na droga sa Iloilo City.