Pormal nang umupo ngayong araw bilang bagong hepe ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) si S/Supt. Albert Ignacio Ferro, ang dating hepe ng nabuwag PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG).

Si Ferro ang mamumuno ngayon sa war on drugs ng PNP.

Aniya, may mga inilatag na direktiba si PNP chief patungkol sa giyera kontra iligal na droga.

Pahayag pa ng opisyal, pag-aaralan aniya ng kanyang liderato sa PDEG ang mga safeguards at nakatakda rin silang bumuo ng bagong best practices laban sa ipinagbabawal na gamot.

Pagtitiyak pa nito na magiging “less body” ang war on drugs ng PNP.

Matatandaan na binuwag ang PNP-AIDG matapos masangkot ang mga tauhan nito na sina P/Supt. Rafael Dumlao at SPO3 Ricky Sta. Isabel sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo.