Inihanda na ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa Bicol at ng Office of Civil Defense (OCD) Region 5 sakaling magkaroon ng escalation sa alert level status ng Bulkang Mayon sa Albay sa mga susunod na araw.
Ayon kay OCD Bicol director Claudio Yucot, nagsagawa na sila ng pre-disaster risk assessment para sa matiwasay na paglilikas sa mga maapektuhang residente.
Umapela din ng kooperasyon ang opsiyal para maging matagumpay ang response operations.
Bagamat dalangin anila na hindi mag-alburuto ang bulkan subalit mas mainam aniya na sila ay handa partikular na kung sakaling itaas pa sa alert level 3 ang aktibidad sa bulkan.
Ayon naman sa Cedric Daep, chief ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na kung sakaling ilagay sa alert level 3 ang bulkan, kailangan ng ilikas ang mga residente at livestock sa apektadong lugar lali na sa mga komunidad na ninirahan sa 8km extended danger zone (EDZ).