-- Advertisements --

Itinuturing ngayon ng World Health Organization (WHO) ang Europe bilang epicenter ng monkeypox outbreak.

Sinabi ni WHO regional director for Europe Hans Kluge na mayroong naiulat na 1,500 na kaso sa loob ng 25 bansa sa Europa.

Ang European region ay binubuo ng 53 bansa kabilang ang ilang bansa sa Central Asia.

Dagdag pa nito na ang nasabing pagtaas ng kaso ay lubhang nakakabahala na unang naitalang mga kaso ay mula sa Western at Central Africa.

Magugunitang inanunsiyio ng European Union na bibili silang ng mahigit 110,000 na bakuna para labanan ang monkeypox pero wala pang aprubado ang WHO na bakuna hinggil dito.