-- Advertisements --
Mas pinaigtingin ng European Union ang pamamahagi ng air defences sa Ukraine.
Nitong linggo lamang ay dumating na sa Ukraine ang ilang mga drones at ballistic missiles.
Kasabay din nito ay inanunsiyo ng European Union ang ika-18 round ng sanctions laban sa mga Russian energy imports at ang panukalang pagpapataas ng defense budget ng EU.
Nakumbinsi rin ng EU ang Estados Unidos na sumali sa 52-nation Ukraine Defence Contact Group na siyang nagbibigay ng defense donations.
Magugunitang ikinadismaya na rin ni US President Donald Trump ang pagmamatigas ni Russian President Vladimir Putin na tumugon sa ceasefire deal sa Ukraine.