-- Advertisements --

Tiwala sina European Union Commision chief Ursula von der Leyen at German Chancellor Angela Merkel na mabibigyan na ng European authorization ang Pfizer/ BioNTech at Moderna sa kalagitnaan ng buwan ng Disyembre.

Sinabi ni Merkel na sa mga nagdaang araw ay nagkaroong ng positibong resulta ang mga huling trials ng COVID-19 vaccines ng nasabing mga kumpanya kaya hindi malayo na sa Disyembre at 2021 ay mayroon ng bakuna laban sa nasabing virus.

Samantala ipapaubaya na lamang ng drug company na Pfizer at BioNTech sa US Food and Drugs Administration (FDA) ang desisyon kung ligtas ng ibigay sa publiko ang kanilang bakuna laban sa COVID-19.

Nakatakdang maghain kasi ang nasabing mga kumpanya ng emergency authorisation sa US at Europe para sa nasabing bakuna.