Reading Time: 1 minute
Neil Etheridge
Neil Etheridge/ Twitter Post

Naghahanda na si Neil Etheridge sa pagsali muli sa Philippine Azkals para sa 2022 FIFA World Cup Qualifers.

Ito ay matapos na makaranas ng hamstring injury na nagbunsod sa hindi paglalaro niya ng dalawang unang World Cup Qualifying matches.

Sa kaniyang social media account, nagpost ang 29-anyos na English-Filpino player katabi ang mga bag at naghandang bumiiyahe sa Pilipinas.

Dahil dito ay magiging bahagi na si Etheridge sa pagharap ng Azkals sa China sa darating na Oktubre 15 na gaganapin sa Bacolod City.

Kabilang din ito sa ikatlong match ng Azkals sa 2023 AFC Asian Cup Qualifiers.

Sa kasalukuyan ay nasa pangatlong puwesto ang Azkals na may record na isang panalo at isang talo sa pamumuno ni head coach Gorn Milojevic at assistant coach Hezirdan Ramadani at goalkeeping coach Milos Simic.