Ethel Booba
Ethel Booba/ Twitter image

Masayang ibinahagi ni Ethel Booba na ito ay buntis na.

Ayon sa komedyante, anim na buwan na itong nagdadalang tao.

Magugunitang inamin nito na masaya na ito sa relasyon niya sa non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar.

Bumuhos naman ng pagbati mula sa mga malalapit na kaibigan ni Ethel.