Gr 5 dinukot sa Cotabato
-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang paghahanap sa isang Grade 5 pupil sa Banga, South Cotabato, makaraan umanong dinukot.

Ito ang kinumpirma ng ina ng biktima na si Jennifer Geongo sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kuwento ni Gng. Jennifer, nagpaalam sa kanya si “baby girl” na ihahatid ang module at exam nito sa kanilang paaralan pasado alas-10:00 kahapon ng umaga ngunit hindi na ito nakauwi pa.

Nabatid na malapit lamang sa bahay ng mga ito ang paaralan ng kidnap victim.

Kaagad humingi ng tulong sa mga otoridad ang ina ng biktima at isinagawa ang imbestigasyon.

-- Advertisement --

Ayon naman kay Police Major Joseph Forro III, hepe ng Banga-Philippine National Police, natukoy na nila ang suspek base sa nakakitang testigo.

Sa katunayan, nakunan din ng CCTV footage ang pagdukot ng suspek sa biktima na isinakay sa motorsiklo.

Isang 23-anyos na lalaki na umano’y nagkakagusto sa biktima ang dumukot sa kanya.

Sa ngayon, naglabas ng P50,000 na reward money si Mayor Albert Palencia sa sinumang makapagtuturo sa kinaroonan ng suspek at biktima.