BAGUIO CITY – Patuloy na nagpapagaling sa pagamutan ang isang estudyante matapos itong nahulog mula sa ikatlong palapag ng isang paaralan sa Assumption Road, Baguio City.

Nakilala itong si Kenzi Capistrano Galera, 16-anyos, senior high school student, at resident ng New Lucban, Baguio City.

Batay sa report, nakatayo ang estudyante sa terrace ng paaralan at posibleng nadulas ito na nagresulta sa kanyang pagkahulog hanggang sa bubong ng isang katabing gusali.

Agad nagresponde ang mga kasapi ng Emergency Medical Services at naisugod sa ospital ang estudyante na hanggang ngayon ay inoobserbahan ng mga doktor.