ROXAS CITY- Arestado ang isang 19-anyos na estudyante sa drug buy bust operation ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) at Pontevedra Municipal Police Station sa Poblacion Tacas, Pontevedra Capiz.

Kinilala ang suspek kay Mike Joshua Magaso ng Poblacion Tabuc, Pontevedra.

Nahuli ang suspek na nagbebenta ng iligal na droga sa nasabing bayan, kung saan narekober sa posesyon ng suspek ang isang sachet ng shabu, isang cellphone, P1,000 na buybust money at mga drug pharaphernalia.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Magaso.