-- Advertisements --

Kinumpirma ni House Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Sarte Salceda na ganap ng batas ang Estate Tax Amnesty Extension Act o ang Republic Act No. 11956. Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nasabing batas.

Kaya lubos ang pasasalamat ni Salceda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Salceda malaking tulong ang nasabing batas para sa isang milyon pamilya na may unsettled estates kabilang dito ang nasa 610,054 agrararian reofrm beneficiaries na kailan lang nakalaya mula sa pagkaka utang matapos lagdaan ng Chief Executive ang New Agrarian Emancipation Act.

Sinabi ng ekonomistang mambabatas na palawigin ng batas ang panahon ng Estate Tax Amnesty hanggang Hunyo 2025 at ang panahon ng pagkamatay na sakop hanggang Mayo 2022.

Nagbibigay din ang batas para sa elektronikong paghahain ng mga aplikasyon ng amnesty sa buwis ng ari-arian, at nililimitahan ang bilang ng mga dokumentong kinakailangan para sa paghahain.

Pinaikli din ng panukalang batas ang panahon para sa pagpapalabas ng mga implementing rules and regulations sa 30 araw, mula sa 60 araw.

Ang mga aplikasyon para sa amnesty sa buwis ng ari-arian ay maaari ding ihain sa elektronikong paraan.

Ipinunto din ni Salceda na “ito ang unang batas na ipinatupad ng Committee on Ways and Means, at mayroong pipeline ng mga hakbang na inaprubahan na ng Kamara na naghihintay ng pag-apruba ng Senado.”