CAGAYAN DE ORO CITY – Humihingi ng karagdagang panalangin si dating Ozamiz City Police Director Police Lt. Col. Jovie Espenido para sa kanyang bagong assignment bilang city police director ng Bacolod City Police Office.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inamin nitong pinaghalong gulat at lungkot ang kanyang naramdaman nang matanggap niya ang agarang relieve order mula sa Kampo Krame.
Sa kanyang pag-alis sa Ozamiz, emosyonal na nag-sorry si Espenido sa lahat ng residenteng kanyang nasaktan dahil sa pagpaptupad ng “iron fist policy” o Saligang Batas.
Kung maaalala, naging kontrobersyal ang nasabing opisyal dahil sa kanyang matagumpay na pag-raid sa bahay ng pamilya Parojinog noong 2017.
Sa nabanggit na raid, tatlo sa anak ng namayapang si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog ang kanyang napakulong dahil nauugnay ang kanilang pamilya bilang kilalang drug pedler sa kanilang lugar.
Napatay din si dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa matapos magsagawa ng raid sa loob ng piitan sa Leyte.