-- Advertisements --
Espenido sacked bacolod druglist
Police Lt. Colonel Jovie Espenido

Labis ang pagkadismaya ni Police Lt. Colonel Jovie Espenido sa namumuno ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay matapos na masangkot ang pangalan niya sa “narco-list”.

Sinabi nito na hindi nakita ng PNP ang kaniyang mga malalaking accomplishment kontra sa iligal na droga.

Isa rin sa pinagpapasalamat niya na mapasama sa narco-list dahil ito ang paraan para malinisin ng tuluyan ang kaniyang pangalan.

Bagamat may pagdududa ito sa nagpapatakbo sa PNP ay tiwala naman siya na malilinis ang kaniyang pangalan.

Magugunitang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaki pa rin ang tiwala nito sa nasabing police official.

Naging matunog ang pangalan ni Espenido sa anti-drug operation na ikinasawi noon nina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamis Mayor Reynaldo Parojinog.