Isasailalim sa “Oplan Katok” ng Philippine National Police (PNP) ang broadcaster na si Erwin Tulfo kapag hindi nito isinuko ang kaniyang armas.
Ito’y matapos mabatid ng PNP-Firearms and Explosives Office (FEO) na expired na ang kaniyang license to own and possess firearms (LTOPF).
Ayon kay PNP-FEO Director PBGen. Val De Leon sa panayam ng Bombo Radyo, pito raw ang armas na nakarehistro sa pangalan ni Erwin.
Sinabi ni De Leon, very specific naman daw ang kaniyang sulat kay Erwin kaugnay sa pagsuko nito sa kaniyang mga armas.
Maaari aniya isuko ng broadcaster ang mga armas ito sa pinakamalapit na police station.
Ipinaliwanag naman ni PNP Spokesperson P/Col. Bernard Banac na ang ipinadalang sulat ng FEO kay Erwin ay ang unang hakbang lamang sa Oplan Katok.
Ani Banac, kapag hindi niya ito pinansin, susunod na gagawin ng PNP ay kakatukin ang kaniyang bahay.
Kung hindi pa rin aniya ito tutugon, dito na ipatuatupad ng PNP ang search warrant.
Nilinaw din ng PNP-FEO na hindi expired ang lisensiya ng mga baril ni Erwin, tanging ang kaniyang LTOPF lamang.
Dahil dito, pina-recall ng PNP ang lahat ng armas ni Erwin para umano sa safekeeping.