Sinimulan na ni Errol Spence ang kaniyang pagsasanay at tiyak ang pagbabalik sa boxing sa Mayo o Hunyo.

Sinabi nito na ayaw niya ng tune-up fight at nais nitong makaharap sina Manny Pacquiao o Danny Garcia.

Magugunitang noong Oktubre ay naaksidente ang 29-anyos na boksingero ng bumangga ang kaniyang kotse.
Nanatili ito ng anim na araw sa pagamutan.

Huling laban nito ay noong manalo sa 12-round split decision kay Shawn Porter noong Setyembre sa Los Angeles, California.