-- Advertisements --

MANILA – Nasa mabuting kondisyon na muli si dating Pangulong Joseph Estrada.

Ito ang inamin ng kanyang anak na si dating Sen. Jinggoy Estrada matapos mapabalita ang pagsugod muli nito sa intensive care unit (ICU) ng ospital nitong Biyernes.

“My father is doing better today. His medications for blood pressure support are being lessened and his kidney function is improving,” ayon sa Facebook post ng dating senador.

“Overall, he seems to be responding well to measures to control the lung infection.”

Bagamat bumuti na ang lagay ng dating presidente, nananatili pa rin daw ito sa ICU at naka-oxygen support. Kaya naman patuloy ang panawagan ng pamilya Estrada para sa panalangin ng paggaling ng kanilang ama.

“He is still on oxygen support but continues to be alert and oriented. He still remains at the ICU for further monitoring. Please continue to pray that his progress continues,” ayon sa dating mambabatas.

Kung maaalala, noong March 29 nang unang mapabalita na nag-positibo sa COVID-19 si Estrada. Nag-negatibo noong April 13, pero ilan sa miyembro ng kanyang pamilya ang tinamaan din ng coronavirus.