-- Advertisements --
jeffrey epstein 1
Jeffrey Epstein

Hiniling ng mga abogado ng multi-millionaire na si Jeffrey Epstein na payagang makalaya ang kanilang kliyente habang hinihintay nito ang paglilitis laban sa kinakaharap nitong patong patong na kaso.

Inakusahan si Epstein ng conspiracy charges at sexual misconduct kung saan di-umano’y hinalay nito ang halos isang dosenang menor de edad.

Inilatag din ng mga abogado ng 66-years old na suspek bilang collateral sa danyos ang kaniyang Manhattan mansion maging ang kaniyang private jet kung saan ang halaga nito ay aabot ng $77 million dollars o halos apat na bilyonh piso.

Sa argumento ng defense team ni Epstein, sinabi ng mga ito na ikinakatakot umano ng kanilang kliyente na ituloy ng federal prosecutors ang kanilang pagsusulong ng sexual abuse charges laban kaniya dahil na rin sa toxic political climate.

Nabatid ng mga otoridad na binabayaran ng suspek ang mga kabataan na hindi bababa sa 14-taong gulang upang molestyahin niya ang mga ito sa kaniyang tirahan sa New York at Palm Beach, California.

Samantala, labis ang galak na nararamdaman ni former US President Barrack Obama nang umabot sa kaniya ang balita na nagtapos bilang dean’s lister ang isang bilanggo na binigyan niya ng clemency noong 2016.

Nagpaabot ng sulat si Obama kay Danielle Metz kung saan sinabi nito na hanga siya sa ginawa ni Metz at sana raw ay magsilbi itong magandang ehemplo para sa mjga dating kriminal na nagnanais magbagong buhay.