-- Advertisements --

Inamin ni Elon Musk na nagsisisi siya sa ilang post niya laban kay US President Donald Trump sa kasagsagan ng kanilang bangayan sa social media.

“They went too far,” ani Musk sa kanyang X (dating Twitter) account, matapos sabihin ni Trump sa isang panayam na bukas siya sa posibilidad na makipagkasundo sa tech billionaire.

Matatandaang nag-ugat ang sigalot ng dalawa matapos tawagin ni Musk ang tax bill ng administrasyon ni Trump na isang “disgusting abomination,” at hilingin sa publiko na tutulan ito. Naniniwala si Musk na magdudulot lamang umano ito ng resesyon sa ikalawang bahagi ng taon.

Nagpakalat din si Musk ng hindi beripikadong pahayag na kasama umano si Trump sa mga hindi inilalathalang dokumento kaugnay kay Jeffrey Epstein, na mariin namang itinanggi ng White House.

Bilang tugon, tinawag ni Trump na “walang respeto” si Musk at nagbantang putulin ang mga kontrata ng gobyerno sa mga kumpanya nito, tulad ng SpaceX na may halagang $38 bilyon.

Bilang tugon, tinawag ni Trump na hindi siya nirerespeto ni Trump at nagbanta na puputulin ang mga kontrata nito sa gobyerno, tulad ng SpaceX na mayroon kontratang $38 billion.

Bagamat tinawag ni Trump ang naging kilos ni Musk na masama sinabi niyang wala siyang sama ng loob dito. Pinuna rin ng dating aide ni Trump na si Steve Bannon ang naging aksyon ni Must at sinabing dapat umanong ipa-deport si Musk.

Samantala, ayon kay US Vice President JD Vance, ayaw ng pangulo na lumala pa ang alitan, at nagsusumikap ang administrasyon na maibalik ang magandang relasyon sa isa sa pinakamalaking campaign donors ng administrasyon ni Trump.